Mahirap pala

Mahirap palang umiyak, lalo na kung ilang beses mo ng naiyakan ang isang babae. Mahirap palang umiyak kung wala kang maiyakan, lalo na kung nasanay ka ng iyakan yung babae, na ngayon ay rason kung bakit ka naiiyak, IRONIC. Gusto mong umiyak, pero ayaw tumulo ng luha mo sa mata, di mo alam kung bakit, siguro dahil sawa ka ng masaktan, or sanay ka ng masaktan.
Mahirap pala young feeling na lagi kang pinagtutulakan at option ka lang, na kahit ano pang gawin mo, kahit ibuhos mo pa ang lahat, hanggang dun ka na lang, hindi na magbabago, kahit pa maghintay ka ng tatlumpung taon.
Mahirap palanag maging martyr na kahit nasasaktan ka, nandiyan ka pa rin, umaasa sa wala, umaasa sa panaginip na gustong gusto mong makamit.
Mahirap palang maging tanga, dahil kahit papano, nararamdaman mo pa rin ang sakit na dulot ng iyong katangahan.
Mahirap palang magtago at maglihim ng nararamdaman mo, hindi ka pwedeng magselos, hindi mo masabi ang nararamdaman mo dahil sa takot na umiwas siya at mawala na ng tuluyan sa buhay mo, natatakot kang mapaasa at mauwi ang lahat sa wala, Hindi ka pwedeng magalit, dapat nakangiti ka pa rin kahit nasasaktan ka na, baka mahalata niya.
Mahirap palang maghintay, maghintay sa tao kung mapapansin ka na niya, kung maaalala niya pa ang mga sinabi niya sayo dati, maghintay kung may patutunguhan pa kayo. Mahirap palang maghintay ng hindi nya alam na hinihintay mo siya.
Mahirap palang magpakamanhid, dahil alam mo sa sarili mong nasasaktan ka na, pero patuloy ka pa rin sa katangahan at pagasa mo.
Mahirap ding lumayo, dahil kahit saan ka tumingin, siya at siya pa rin ang nakikita mo, siya pa rin ang laman ng isip at puso mo, dumating man ang iba, sa bandang huli, siya pa rin ang mahal mo, siya pa rin ang gusto mo, siya pa rin ang pangarap mo, siya pa rin ang buhay mo.
Mahirap magpanggap, mahirap magpanggap na naklimutan mo na siya, na wala ka ng nararamdaman sa kanya. Mahirap magpanggap na okay lang sayo ang lahat, na hindi ka na nasasaktan.
Mahirap lahat, lalo na kung mahal mo talaga siya.
Mahirap palang magmahal.
-alecisthename :)
Second Chances

Second Chances.
“Everyone deserves a second chance, we all do”.
For me, it’s a no no. Hindi lahat ng tao. Well, truth is, I don’t believe in second chances. I mean, bat mo pa kailangan magbigay ng isa pang pagkakataon kung sasaktan ka naman ulit sa huli, patuloy kang mabibigo, magsisisi at niloloko mo lang ang sarili mo.
Second Chance? Why give him/her one? After all, siya rin naman ang may kasalanan kung bakit nawala at nasira ang first chance niya. If he/she loves you, hindi ka nya iiwan, hindi nya kailangan ng second chance kasi nga di nya pa nasisira yung first chance na binigay mo sa kanya nang pinapasok mo siya sa buhay mo. Nandyan pa rin siya para sayo, handang magpakababa ng pride, gawin ang lahat para sayo, para lang wag masira yung second chance. Take note ah, KUNG MAHAL KA NYA.
Well, wala naman talaga na p-prove ang pangalawang pagkakataon, pinapatunayan mo lang na desperado ka para makapiling siya, niloloko mo lang sarili mo, nasaktan ka na nya dati, bakit di nya ba kayang gawin ngayon? Naloko ka nya dati, pinaasa, pinaglaruan o ginawang past time, sa tingin mo hindi nya pwedeng magawa ulit yun sayo? Nagawa nga nya dati e.
Yan! Yan ang problema sa atin, ang hilig nating magbigay ng pagkakataon, pero at the end magagalit tayo kapag nasasaktan, eh sino bang nagsabing magbulag-bulagan ka dyan? Aba! Hindi ako, baka siguro yung nagbebenta ng puto bumbong sa kanto ng simbahan, o baka naman yung goldfish mong lagi mong kausap pag may problema ka, o kaya yung suki mo ng tilapia sa palengke? Eto pa isa, magbibigay tayo ng pangalawang pagkakataon, pero ano? Magdududa naman tayo. Ano? Naglolokohan lang tayo? Love is nothing without TRUST; isang esensyal na ingredient para sa mga taong nagmamahalan. Magbibigay ka pa ng second chance, lagi naman magdududa, magaala - CSI agent o Spy Kids, at bawat segundo, tatanungin mo lang siya kung mahal ka nya o hindi. Mapaparanoid ka lang, masisira lang ulo mo. Sayang.
I’ll give him/her a second chance, parang sinabi mo lang din na, magpapakamatay ulit ako, nabuhay ako eh, fail eh, naputol yung tali, taba ko kasi eh. Second Chance? Isa din yan sa napakacommon na ginagamit ng mga taong nagsisisi at gustong ibalik ang lahat, weeeeellll, kahit mahal ko pa siya, I’ll refuse. Bakit? Papatunayan ko lang na mangmang ako, madaling mauto, easy to get kumbaga .
See? Second Chances won’t do us any good. At dun naman sa mga taong umaasa na lang lagi sa second chance, STOP. If mahal mo yung tao, do everything you can, wag mo ng sayangin yung pagkakataong ibibigay nya sayo sa unang pagkakataon. We can’t live on second chances alone, minsan kailangan din natin harapin ang realidad na nagkamali tayo sa ating mga desisyon at we have to live with it. Ginusto mo yan, panindigan mo, malay mo, maging maganda pa ang kalabasan. At sa lahat, hindi dapat tayo magpadala sa emosyon, kung ikaw man ang humihingi ng pangalawang pagkakataon o ang magbibigay, lagi mo pa ring tatandaang nasa taas ang utak, nasa baba ang puso sa katawan. Magmahal, pero wag kakalimutang magisip. Gamitin mo yang utak mo, sayang, gawin ko yang Shawarma eh. HAHAHA :>
-alecisthename :)
And ?

We people are great beings. Lagi tayong may katanungan, kahit pa napaka simpleng bagay, o kaya naman mga out of this world na mga tanong. Minsan di natin mapigilang magtanong at mag inquire. Madaming katanungan sa mundong hindi pa nasasagot ng ilan, yung mga tipong:
- Bakit di nagbebenta ng hotdog ang Mcdonald’s?
- Sa sinehan, aling arm rest yung sa iyo,
- Dati ba, may intsik sa KKK?
- Kung magkakakuto ba ang mga kalbo?
- Bakit tinawag na microwave ang oven? Di naman maliit.
- Bakit kulay purple ang 100 pesos?
- Ano ba talaga ang tamang spelling? Ketchup o Catsup?
- Sabi nila, “Don’t take anything from strangers” , eh bakit pa nauso ang trick or treat?
- Makakapag daydream ka ba sa gabi?
At sobrang dami pang ibang mga tanong. Lalo na sa larangan ng buhay, tulad ng:
- Anong mangyayari sa atin pag namatay na tayo?
- Nananaginip pa ba ko?
- Anong oras kaya ko kakain?
- Anong masarap na ulam?
- Kamusta na kaya si kuya?
- Bakit may backstabbers?
- Bakit may mga plastic?
- Bakit ako pa?
- Bakit hindi na lang sila?
Sa larangan naman ng pagmamahal,
- Bakit siya ganun? Mahal ko naman siya ah!
- Bakit hindi pwedeng maging kami?
- Mahal nya kaya ako?
- Mas mahalaga ba siya kesa sa akin?
- Kamusta na si Crush?
- Sasagutin nya kaya ako?
- Meant to be kaya kami?
Oh di ba! Sobrang dami nating tanong sa buhay na minsan di na tayo makakatulog dahil sa pag-iisip kung ano yung tamang sagot. Well, That’s life.
Kaya nga tayo nandito, para tumuklas ng mga bagay na gusto pa nating malaman. That’s the reason bakit nabubuhay tayo. Life is a journey, not a destiny. Tayo ang nagsusulat ng mangyayari sa atin, hindi na lang tayo tutunganga, uupo sa isang tabi, magmumukmok, at iiyak, dapat, matuto rin tayong tumayo, hindi yung puro “asa” ka na lang. Hindi ka naman mananalo ng lotto, kung di ka tataya. Paano ka magtatagumpay, kung di mo susubukan?
Oo, alam kong may mga araw na lagi tayong nagkakamali, at nasasaktan. Pero hindi dapat tayong manataling nakahiga’t nakadapa, dapat dumating yung oras kung kelan, mapapagod ka ng masaktan, at alam kong darating yung oras na bigla na lang tayong susuko. Pero dapat nating isiping mga pagsubok lang yan, kaya natin malagpasan yan.
Someday, we have to stand for ourselves, hindi yung magmamakaawa ka, hindi yung manghihingi ka ng tulong. Wala naman tutulong sa atin, kundi ang sarili natin di ba? At, wala namang magmamahal sa atin, kung di natin mahal ang sarili natin. Hindi dapat tayo mapariwara at maging desperado para sa isang bagay na hindi naman karapat - dapat bigyan ng atensyon.
At kung, nasaktan man tayo, wag na lang tayong bumawi! Pabayaan nyo na lang si Karma ang gumanti. Pabayaan nyo na lang na si Panahon ang mag pagaling. Basta ang alam ko, pag tanda natin, tatawanan na lang natin ang lahat ng mga bagay na iniyakan natin, mga problem na napagdaanan nating lahat, at basta ang alam ko, sa sarili ko, kapag matanda na ko, magpapasalamat ako dahil sa mga bagay na natuklasan at naranasan ko. At higit sa lahat, alam kong, sa huli, hinding hindi ako magsisisi .
-alecisthename :)
Finding Your Perfect Partner

Hm, ano nga ba ang batayan ng isang mabuti at matibay na relasyon? Bakit napakahalaga sa atin na maki-sabay sa agos ng nakasanayan na dapat ang isang relasyon ay ganito at ganyan na dapat ang kapartner mo ay ganito, ganyan, “STANDARDS”
Sa bagay, dito nga naman tayo namulat, sa isang lipunan na lahat na lang ng bagay ay dapat naayon sa STANDARDS o batayan ng kung ano dapat ang pipiliin, gagawin. pakikisamahan at kung anu-ano pa na ultimo pati ang simpleng bagay ng pakikipag -relasyon ay nagiging kumplikado. Isa lang naman aspekto ang importante dito di ba?
“LOVE”
If you love somebody, tanggap mo ang sitwasyon nya sa buhay, ang mabuti at ang pangit niyang katangian, tanggap mo ang nakaraan at pagkakamali niya at you’re always there para tulungan siyang ituwid ang kanyang mga pagkakamali dati. If you love somebody, hindi dapat gawing batayan ang ating “Checklist” ,
yung tipong “Mayaman?” “Check!”,
“Matangkad?” “Check!” “Gwapo/ Maganda?” “Pwede na!”
Kung gusto ng magandang relasyon, tanggalin natin yang mga “Checklist” na yan, napakababaw na batayan ito para sa relasyong pinapangarap at pinapanghawakan mo.
REMEMBER: Walang perpektong relasyon, marami itong kamalian ngunit nandyan kayong dalawa ng partner mo para maging maayos ito.
Pagmamahal, pag- unawa, respeto at pagtutulungan. Mga aspekto ng relasyon na di dapat mawala at pag ito ay naramdaman nyo na sa isang tao. Huwag nyo na itong pakakawalan. Distansya, panahon, oras, o kaya’y bawal na pagmamahalan? Kaya niyo tong malampasan kung ang pundasyon ng relasyon nyo ay puno ng pagmamahal . Approve? “APRUB!”
Ako nakita ko na siya, kayo? nakita nyo na ba?
Yung feeling na, Happy Heart’s Day everday?
“INTERTWINED”
Vague but has simple concept
“What if after a long time of waiting, countless days of praying, tons of nights dreaming, that one person you’ve been been waiting for, praying for, and dreaming of, came to your messed up life and that she’s right there in front of you?”
- e di, kilig vibes. TAMA? :)
She’s the one, yes, she’s the one, yep, I found her :)
- her smile, that makes my day complete
- her laugh, that keeps me happy
- her stories, that keeps me inspired
- Eating stuffs that even the iron stomach can’t even handle ( peace :)) yung tipong, matakaw na hindi ko maintindihan kung saan niya nilalagay lahat ng pagkain sa tiyan niya, pero I still find it cute ! )
- Being a simple girl that makes me feel comfortable about myself
- Accepts your flaws and compliments your strengths
- Being spontaneous (and feisty, yung tipong, biglang mananampal at mangungurot for FUN?)
Words are not enough to explain the things, emotions, character, feelings that your partner gives you.
UYYY! NAPASMILE SIYA, RELATE KA NO? HAHAHA!
In short, we all feel like or we believe that she’s the one! Hoping and praying that for her, you are the “one” too!
Sometimes, madaming problema pero, will you give up? NO! You’ve waited, dreamt, and prayed for that person and now that she’s finally here, you’re going to give up easily? NO! Pursue that person who makes you happy, even if it entails hardships and sorrow. There are reasons why things have to happen, but it’s up to you to direct the end of each story, It’s either GIVE UP and that’s the end, or PERSEVERE and then you conquer, Approve? “APRUB!”
So do what you gotta do, for you to see that smile again and hear her laugh again, to have that person again!
Di ba nga? Kayo ng partner nyo, INTERTWINED, just like us, “INTERTWINED”
-It’s never easy to let go, just keep holding on
Kapit lang!
-Alec.isthe.name.tumblr.com
L.O.V.E

I requested my friends to provide any questions regarding any matter about love, and these are the questions they provided me.
O’nga pala, trip trip lang ‘to :) Hindi ko sinasabing tama yung mga nilagay or sinagot ko dito, ito lang ay based from my own perspective and point of view.
“Better couples? Short Girl and Tall boy, Tall Girl and Short boy, Both tall , or Both short?” asked by Ian25
For me, short yung girl, tall yung boy, kasi ganun kami e! HAHAHAHA! KV. HAHA kidding aside, wala naman yan sa height! :) Nasa paraan yan kung pano kayo magmahalan, kahit sabihin mong 1 inch lang yang love mo, at 10 footer ka, bibigay nyo pa rin ang lahat sa isa’t isa kasi you love each other. Height doesn’t matter nga di ba! So hindi ko sinasabing kailangan mong maging maliit para magkaroon ng magandang relasyon, NAKO, gasgas na gasgas na to, pero nasa couple yan. If naniniwala kayong tatagal kayo at perfect kayo with each other, e ‘di Good! :)
“Why does love tend to hurt us?” asked by Iav25
Love is not just fun and games, but it’s all about making sacrifices. Love is about making the right decisions for the benefit of two couples. Hindi naman pwedeng puro kasiyahan na lang, and if masaktan man tayo, we should never give up, instead, gamitin natin yung na - experience natin na yun in order to become a better person and a better partner.
“If you are in this situation kung saan pinapapili ka ng best friends mo, sino pipiliin mo, Sila (bestfriends) or yung partner mo?” asked by Iav25
Duh, pipiliin mo si partner. Di mo naman sila tatawaging “best friends” if di ka nila ma-uunderstand. Perhaps, magtatampo sila sa una, pero eventually, maiintindihan ka nila dahil “best friends” mo nga sila eh! :) Stick with your partner dude! :)
“How would you know if you really love somebody?” asked by Iav25
Agree, mahirap talagang malaman if you really love a person. Minsan baka infatuation lang yan, minsan naman baka obsession na yan! Halaaa! Naalala ko tuloy yun sinabi sa akin ng teacher ko, “If mahal mo yung isang tao, kahit pa may sipon yan sa ilong nakadungaw, proud ka pa rin sa kanya” HAHAHAHA! :) Malalaman mo naman yan if love mo talaga. Minsan you don’t need a reason why you need to love a person, minsan gigising ka na lang at mafefeel mo yung “unique” na pakiramdam wherein bumibilis yung beat ng heart mo pag naiisip mo siya at kapag nakikita mo siya. :) Examine yourself, know yourself more, kasi if di mo kilala yang sarili mo, hindi mo alam kung paano mo malalalamang in love ka na sa isang guy or girl.
“Bakit minsan sa umpisa lang ang pagmamahal, minsan di tumatagal?” asked by shaolin
Nasa tao yan if papatagalin mo ba ang isang relationship, ikaw ang magdedecide if mamahalin mo pa ba siya or magpapafall - out of love ka na. Hindi aso mo ang magdedecide para sayo, nor yung kapitbahay mong nagbebenta ng taho. Pero minsan talaga, hindi natin maiiwasan na one day, magising ka, not feeling anything about your partner, falling out of love, ‘ika nga. It’s just like falling in love, hindi natin siya ma explain, tulad lang din yun ng pag fall out of love, bigla bigla na lang natin marerealize na hindi pala natin mahal yung partner natin. So before entering a serious relationship or being committed to one another, observe muna natin if love nyo talaga ang isa’t isa, para maiwasan nyo rin mahurt ang bawat isa sa inyo.
“Bakit pag nag “Iilove you” ang isang girl sa isang girl, close friends, pag guy to guy, GAY agad.” asked by shaolin
Tulad ng sinabi ko sa sagot ko kanina, nasa tao yan if bibigyan nya ng malisya ang mga gawaing ito. Hindi ko rin maexplain kung bakit ganito nga, siguro dahil nakagisnan nating mga Pilipino na ang mga lalaki dapat ay matipuno at hindi basta basta mag i i love you sa isa’t isa dahil hindi nga naman ito tradisyon ng mga lalaki. Hindi ka naman makakakita ng mga guys na mag kaholding hands sa simbahan, o kaya naman ay di ka makakarinig sa overpass ng mga lalaking nagsisigawan ng “I LOVE YOU PARE!” Di ba? :) So it’s up to you guys if bibigyan nyo ng malisya yung mga ganung bagay. :)
“Why does love make us a better person?” asked by Mian
We can’t say na totoo yang tanong na yan, minsan nga ang love pa ang nagpapasama sa atin. Dahil sa pag ka “Bitter” natin sa isang pangyayari, sinisisi natin ito sa ibang tao at patuloy nating sisirain ang sarili nating buhay dahil nga dito. But yes, love does make us a better person pero not all the time, kasi dahil sa love, na iinspire tayong gumawa ng mga bagay na hindi natin kaya nung wala tayong nakukuhanan ng “inspiration”. Syempre naman, e ‘di naturn off yung partner natin pag di tayo nagpakabuti at nagbago for the better ! :) Love make us a better person kasi dahil sa love, naaappreciate natin yung beauty of life and binibigyan natin halaga ang isa’t isa that’s why iche-cherish natin yung mga natitirang time na buhay pa tayo at maging isang mabuting tao. :)
So yun muna for now!:) Sana naman nakarelate kayo kahit konti :) Cheers! :) -ALEC =]