L.O.V.E

I requested my friends to provide any questions regarding any matter about love, and these are the questions they provided me.
O’nga pala, trip trip lang ‘to :) Hindi ko sinasabing tama yung mga nilagay or sinagot ko dito, ito lang ay based from my own perspective and point of view.
“Better couples? Short Girl and Tall boy, Tall Girl and Short boy, Both tall , or Both short?” asked by Ian25
For me, short yung girl, tall yung boy, kasi ganun kami e! HAHAHAHA! KV. HAHA kidding aside, wala naman yan sa height! :) Nasa paraan yan kung pano kayo magmahalan, kahit sabihin mong 1 inch lang yang love mo, at 10 footer ka, bibigay nyo pa rin ang lahat sa isa’t isa kasi you love each other. Height doesn’t matter nga di ba! So hindi ko sinasabing kailangan mong maging maliit para magkaroon ng magandang relasyon, NAKO, gasgas na gasgas na to, pero nasa couple yan. If naniniwala kayong tatagal kayo at perfect kayo with each other, e ‘di Good! :)
“Why does love tend to hurt us?” asked by Iav25
Love is not just fun and games, but it’s all about making sacrifices. Love is about making the right decisions for the benefit of two couples. Hindi naman pwedeng puro kasiyahan na lang, and if masaktan man tayo, we should never give up, instead, gamitin natin yung na - experience natin na yun in order to become a better person and a better partner.
“If you are in this situation kung saan pinapapili ka ng best friends mo, sino pipiliin mo, Sila (bestfriends) or yung partner mo?” asked by Iav25
Duh, pipiliin mo si partner. Di mo naman sila tatawaging “best friends” if di ka nila ma-uunderstand. Perhaps, magtatampo sila sa una, pero eventually, maiintindihan ka nila dahil “best friends” mo nga sila eh! :) Stick with your partner dude! :)
“How would you know if you really love somebody?” asked by Iav25
Agree, mahirap talagang malaman if you really love a person. Minsan baka infatuation lang yan, minsan naman baka obsession na yan! Halaaa! Naalala ko tuloy yun sinabi sa akin ng teacher ko, “If mahal mo yung isang tao, kahit pa may sipon yan sa ilong nakadungaw, proud ka pa rin sa kanya” HAHAHAHA! :) Malalaman mo naman yan if love mo talaga. Minsan you don’t need a reason why you need to love a person, minsan gigising ka na lang at mafefeel mo yung “unique” na pakiramdam wherein bumibilis yung beat ng heart mo pag naiisip mo siya at kapag nakikita mo siya. :) Examine yourself, know yourself more, kasi if di mo kilala yang sarili mo, hindi mo alam kung paano mo malalalamang in love ka na sa isang guy or girl.
“Bakit minsan sa umpisa lang ang pagmamahal, minsan di tumatagal?” asked by shaolin
Nasa tao yan if papatagalin mo ba ang isang relationship, ikaw ang magdedecide if mamahalin mo pa ba siya or magpapafall - out of love ka na. Hindi aso mo ang magdedecide para sayo, nor yung kapitbahay mong nagbebenta ng taho. Pero minsan talaga, hindi natin maiiwasan na one day, magising ka, not feeling anything about your partner, falling out of love, ‘ika nga. It’s just like falling in love, hindi natin siya ma explain, tulad lang din yun ng pag fall out of love, bigla bigla na lang natin marerealize na hindi pala natin mahal yung partner natin. So before entering a serious relationship or being committed to one another, observe muna natin if love nyo talaga ang isa’t isa, para maiwasan nyo rin mahurt ang bawat isa sa inyo.
“Bakit pag nag “Iilove you” ang isang girl sa isang girl, close friends, pag guy to guy, GAY agad.” asked by shaolin
Tulad ng sinabi ko sa sagot ko kanina, nasa tao yan if bibigyan nya ng malisya ang mga gawaing ito. Hindi ko rin maexplain kung bakit ganito nga, siguro dahil nakagisnan nating mga Pilipino na ang mga lalaki dapat ay matipuno at hindi basta basta mag i i love you sa isa’t isa dahil hindi nga naman ito tradisyon ng mga lalaki. Hindi ka naman makakakita ng mga guys na mag kaholding hands sa simbahan, o kaya naman ay di ka makakarinig sa overpass ng mga lalaking nagsisigawan ng “I LOVE YOU PARE!” Di ba? :) So it’s up to you guys if bibigyan nyo ng malisya yung mga ganung bagay. :)
“Why does love make us a better person?” asked by Mian
We can’t say na totoo yang tanong na yan, minsan nga ang love pa ang nagpapasama sa atin. Dahil sa pag ka “Bitter” natin sa isang pangyayari, sinisisi natin ito sa ibang tao at patuloy nating sisirain ang sarili nating buhay dahil nga dito. But yes, love does make us a better person pero not all the time, kasi dahil sa love, na iinspire tayong gumawa ng mga bagay na hindi natin kaya nung wala tayong nakukuhanan ng “inspiration”. Syempre naman, e ‘di naturn off yung partner natin pag di tayo nagpakabuti at nagbago for the better ! :) Love make us a better person kasi dahil sa love, naaappreciate natin yung beauty of life and binibigyan natin halaga ang isa’t isa that’s why iche-cherish natin yung mga natitirang time na buhay pa tayo at maging isang mabuting tao. :)
So yun muna for now!:) Sana naman nakarelate kayo kahit konti :) Cheers! :) -ALEC =]
-
supervano13 likes this
-
dwejiace likes this
-
supervano13 reblogged this from alecisthename
-
robertbasilona reblogged this from alecisthename
-
alecisthename posted this